Ang Pananaw sa Kasaysayan ng Pilipinas ng mga Kapatiran at Kilusang Milinaryan: Isang Balangkas[*]
Prospero Covar
(Ang Kapatiran ni Hermano Puli ay kaugnay ng higit na malawak na kasaysayan ng mga kapatiran at kilusang mesyaniko at milinaryan sa Pilipinas. Mahalaga kung gayon na maipook ang pananaw ni Hermano Puli sa kasaysayan ng Pilipinas sa pananaw ng mga kapatiran at kilusang milinaryan.)
01. Ang pananaw sa kasaysayan ng Pilipinas ng mga kapatiran at kilusang milinaryan ay nakasalalay sa paniniwala sa:
01.1.paglalang ng mundo at tao,
01.2. pagkakatawang-tao ng Dios,
01.3. muling pagbalik ng Dios.
02. Ang periodisasyon ng kasaysayan ay nahahati sa tatlo:
02.1. panahon ng Dios Ama - paglalang hanggang sa pagkakatawang-tao ng Dios sa katauhan ni Jesucristo,
02.2. panahon ng Dios Anak - 4 B.K. hanggang sa bi-milinial ni Sta. Maria, ina ni Jesus,
02.3. panahon ng Dios Ina - simula ng bi-milinial ng Birheng Mari...