Dr. Prospero R. Covar
“Ang Ama ng Pilipinolohiya”*
Kinikilala bilang Ama ng Pilipinolohiya, pangunahin siyang tagapagtaguyod ng Pilipinolohiya bilang “sistematikong pag-aaral ng kaisipan, kultura at lipunang Pilipino.”
Nagtapos siya ng A.B. Sociology at M.A. Sociology sa University of the Philippines (UP); at Ph.D. Anthropology sa University of Arizona sa Tucson, Arizona, Estados Unidos ng Amerika.
Nakapagturo siya sa iba’t-ibang institusyon, kolehiyo, at unibersidad gaya ng UP; Development Academy of the Philippines; Philippine Council for Agricultural Research; Foreign Service Institute; Maryhill School of Theology; Claret Formation Center; at Center for University Ministries. Nakatanggap siya ng iba’t-ibang grant at iskolarsyip sa mga institusyon, kolehiyo at unibersidad sa ibayong dagat tulad ng University of Arizona; Han Nam University, South Korea; at Japan Center for Asian Studies, Osaka at Tokyo, Japan.
Naging Kasamang Tagapagtatag siya ng Ugna...