Pilipinolohiya*
Prospero R. Covar
Mula ang katagang Pilipinolohiya sa dalawang salita: Pilipino at lohiya. Batay rito, nangangahulugan ang Pilipinolohiya bilang sistematikong pag-aaral ng F/Pilipinong kaisipan, kultura, at lipunan. Binibigyang-diin sa artikulong ito ang pagka-F/Pilipino bilang bunga ng karanasang F/Pilipino sa pamamagitan ng ilang halimbawa kaugnay ng mga larangan ng kaisipan, kultura, at lipunan. Pinapaksa rin sa pag-aaral na ito ang pagiging kasangkapan ng mga teorya, metodo, at laman ng mga akademikong disiplina sa pagpapalaya ng F/Pilipinong kaisipan, kultura, at lipunan sa Kanluraning edukasyon. Sa huli, tinatalakay sa artikulong ito ang tambalan ng etniko at F/Pilipino, katayuan ng pambansang kabihasnan, kilusan sa pagbuo ng pambansang kabihasnan, at Pilipinolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas.
Panimula
Ito ang kauna-unahang pagkakataon, kaya’t makasaysayan, na tatala...